Isa sa mga pinakamagandang lugar sa ating bansa ang TSOKOLATE hills sa Bohol. Talaga namang nabighani ako nang makita ko ang mga maliliit na burol na ito noong 2005. Mayroon kasi kaming convention sa aming organisasyon noon at nagkaroon kami ng isang araw na day trip patungong Bohol. Inakyat namin ang pinakamataas na burol upang mas makita ang ganda ng Chocolate Hills. Hindi ko na maalala kung kulay tsokolate nga ang mga burol nung mga panhon na iyon pero medyo luntian sila sa litrato. (Summer ako nagpunta, di ba't dapat brown sila?)
Pumunta rin kami sa Loboc River para sa tanyag nitong river lunch cruise, sa isang lumang-lumang simabahan na di ko na maalala kung ano ang pangalan, sa isang monumentong nagpapakita ng Sanduguan. Pinakapaborito ko sa mga pinuntahan namin ay ang dalampasigan ng Panglao dahil sa tahimik nitong kapaligiran at sa napakaputing buhangin. Para bang ako'y nasa Boracay lang din menos lang ang maiingay na mga club. :D
Napakaganda talaga ng ating bansa. Kaya naman kung ako'y may panahon (at anda!) talaga namang gusto kong libutin ang 7,107 isla nito. :D
****
Noong nakaraang linggo, habang nag-iisip ako ng lahok para sa LP, naisip kong kunan ng litrato ang chocolate fountain ng aking kaibigan ngunit hindi na ako nabigyan ng pagkakataon (ang tanging booking lang nya noong nakaraang linggo ay sa tagaytay)
Kaya eto, kinuha ko na lang ito mula sa kanyang Multiply Account. Kung meron kayong mga events, kumuha na kayo ng chocolate fountain sa kanya (Aba, at nagplug pa. LOL)
eto ang kanyang multiply
eto ang kanyang website
Para sa ibang mga lahok, pumunta sa
LP 02.05.2009 - Tsokolate
Wednesday, February 4, 2009
Posted by paulalaflower♥ at 4:43 PM
Tags: Litratong Pinoy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
17 comments:
uy ang sarap ng choco fountain :D
dito lang sa pinas matatagpuan ang pinaka malaking lupain ng chocolate :D sayang lang di pwedeng kainin :D
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
That's also one of my dreams. Travel all over the Philippines.
Happy LP! :-)
Ako, mabisita ko lang ang lahat ng probinsiya sa Pilipinas, masayang masaya na ako. Nang mabisita ko rin ang Chocolate Hills, berde ang mga burol.
Ang aking tsokolate ay naka-post dito, at ang sa aking kapatid naman ay nandito. Happy Huwebes, ka-LP!
choco fountain is labb
and...chocolate hills is much labb..hahaha..sayang di pwede kainin :P
eto po ang aking lahok:
click!
HAPPY LP!!
hay! maligayang LP, salamat sa pagdalaw! =) bulubunduking tsokolate tama ba? hehehe =) o cge tsokolate hils nlng ahahah! ang ganda ng iyong naisip heheeh =)
kelan kaya ako makakarating sa Chocolate hills na yan?
di pa ko nakakarating dyan... balang araw... happy huwebes... :)
Ay oo nga, andami ko pa namang litrato nito. Hindi ko naisip hehehe! mdami iyan pero nabawasan ng 5 dahil pinagbili ng mga loko2 para gawing semento. Mataas daw kasi ang uri ng limestone nito. Sana, ikinulong sila pero hindi ko na alam ang nangyari.
naisip ko rin ang chocolate hills pero hindi ko makita ang aking USB.:D mukhang masarap ang choco fountain na yan!
Malamang Baclayon Church yun. Nandun ang mataas na paaralang itinatag ng aking FIL na naging pari doon :)
Bol-anon ang pamilya ng aking esposo.
pinakagusto kong isawsaw sa choco fountain ang saging na lakatan. :D
I'm with Linnoy there, banana dipped in melted chocolate..yummm
panalo...chocolate hills! hindi ko pa narating ito...sana hindi pa matunaw bago ako makapunta. :P
pareho tayong chocolate fountain! :)
sarap strawberry tapos dip sa choco fountain...
Happy Thursday!
Di pa ako nakapunta sa Bohol. Gusto ko pumunta doon.
aliw na aliw talaga ako sa chocolate fountains, ewan ko ba, lalo pag fresh fruits
http://hipncoolmomma.com/2009/02/05/tsokolate-chocolate-36th-litratong-pinoy/
kakaiba ang lahok mo... higanteng tsokolate! :D
Post a Comment