LP 02.12.2009 - Puso (o Hugis Puso)

Wednesday, February 11, 2009

Naku, araw ng mga puso nanaman. At talagang akmang-akma naman ang tema ng LP para sa linggong ito. :D

Hep hep hep, parang di pangkaraniwan puso ang lahok ko, dahil ako'y "loveless" ngayon at puro pag-aaral ang pinagtutuunan ko ng pansin. (haha, talaga lang. ;P)


Kuha mula sa tabi ng parking lot sa aming unebersidad.

Ito ay litrato ng clover o Trifolium sp. (di ko lang sigurado kung anong species ito). Bilang isang mag-aaral ng kursong haynayan (ito raw ang tagalog ng biology ayon sa aking mga matatalinong kamag-aral), minsan ko na ring napag-aralan itong clover. Ito'y una kong nakilala ng masinsinan sa aming taxonomy of higher plants at botany classes.

Sa ibang dako naman, maraming nagsasabing ika'y sswertehin kapag nakahanap ka ng clover na may apat na dahon. Mula sa scientific name nito na Trifolium (tri=tatlo; folium=dahon) ang karaniwang bilang ng mga dahon nito ay tatlo. Kaya naman sswertehin ka kapag nakahanap ka ng pambihirang clover na may apat na dahon.

Makahanap kaya ako ng clover na may apat na dahon para naman swertehin ako sa sabado? Hahaha.

Gusto ko lang ipamahagi sa inyo ang aking kinahihiligang love quote ngayon: 3 words, 8 letters, say it and I'm yours -Blair Waldorf, Gossip Girl. O diba? Parang ganyan ang sinasabi ng tatlong pusong dahon ng clover. Ang labo no? :D

Para sa ibang mga lahok, pumunta sa


24 comments:

FickleMinded said...

ay ang ganda naman, yan pala ang Clover, sabi nila pag nakakita ka daw ng 4-leaf Clover, it will give you a good luck. :)

adinille said...

ang galing ng iyong obserbasyon sa clover leaf :)

bang said...

good idea para sa hugis puso na tema.

maligayang araw ng mga puso!

walkonred said...

hapi puso!!!

http://whenmomspeaks.com/2009/02/lp-puso-heart/

jeanny said...

di bale kahit loveless masaya naman di ba!

O sya happy LP!

julie said...

Sana nga makahanap ka ng four-leaf clover mo :)

Haynayan, hehehe,bagong kaalaman ito.

Pinky said...

Oo nga - nawa'y mahanap mo ang 4-leaf clover bago mag-Sabado... good luck! Hahaha!

Buge said...

Uy sayang, sana may 4-leaf clover para swerte!

Tama ka, unahin muna ang pag-aaral bago ang pag-ibig. Charing! Haha!

Happy St. Valentine's Day!

Jay - agent112778 said...

yan pala ang orig na clover :D, yung clover ko kasi yung kulay orange =))
kidding aside, yung clover na nakikita ko ay 3 din ang dahon kaso bilog-an :D

mula sa puso eto aken lahok


magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

PEACHY said...

swerte nga daw pagmeron kang 4-leaf clover, pero madalang lang ang 4-leaf clover. Kaya siguro swerte. Ito naman ang akin lahok sa huwebes na ito http://mpreyes.blogspot.com/2009/02/lp-45-puso-o-hugis-puso.html

Happy Valentines! at Good luck sa pag-aaral.

fortuitous faery said...

"haynayan" pala ang biology? hay, yang haynayan na yan, oo! :P

sana ay suerte ang dalhin sayo nitong clover leaf! ♥

pining said...

haynayan pala ang tawag sa biology...
ang ganda nga niyan , alam mo ang dami niyan dito pag summer, pero wala akong nakitang kahit isang may 4 leaf... oh well, maybe one day...
have a happy valentine

Missy said...

ang galing!!! may natutunan akong bago. So...se-swertehin kaya tayo sa sabado paula? Watchatink?

hehehehe

Happy LP and advance Happy V Day!!!

http://missy.dgonzalos.com/lp-puso-o-hugis-puso/

yeye said...

loveless..di ah....dami tau pwends..hehehehe

seryoso talaga sa pagaaral at pati dahon sa univ eh napagdiskitahan ehehehe


eto naman po ang aking lahok:

http://idlip.net/?p=330

Happy Lp po :D
advanced happy hearts day :)

JoyD said...

Ay,, tama nga aral muna... pero sarap din kungmy inspirasyon .. swertihin ka sana at makahanap ng 4 leaf clover!!!! eto sa kin http://aussietalks.com/2009/02/litratong-pinoy-puso-o-hugis-puso.html

lino said...

nice shot paula... advance happy hearts day...:)

Carnation said...

sana nga makakita ka ... ito sa akin - http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/02/lp45-puso-o-hugis-puso-heart-or-heart.html

RoseLLe said...

natutuwa kaming mag-iinang maghanap ng ganyan lalo yung 4 ang petals...happy vday!

ang aking PUSO ay narito : Reflexes

shutterhappyjenn said...

Yan din ang dapat ilalahok ko, kaso di kinakaya ng cell phone ko ang sobrang liit na dahon. Ang ganda ng pagkakuha nito!

Ang aking lahok ay naka-post dito at ang sa aking kapatid naman ay naka-post dito. Sana makadaan ka. Hapi Huwebes!

purplesea said...

so ganyan pala ang actual na itsura ng clover. usually drawing o cartoons ko lang nakikita yan. ok lang naman ang maging loveless.. be in love with life, susunod rin ang lovelife.

betchay said...

gusto ko rin ang clover (chips!)

pareho tayo halaman ang entries natin...

Jes said...

hmmm....loveless ka? b bale...darating dn yan ahahha =) ang gnda nmn ng dhon na yan...hugis puso kaka2wa! eto ang aking lahok!
http://jeslising.blogspot.com/2009/02/lp-puso.html

iRonnie said...

ah sa gossip girl pala yan... anu't anoman, maging masaya ka sana sa araw ng mga puso. :D

arls said...

ang cute pau!!! :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Search this blog: