LP 01.29.2009 - Lila

Wednesday, January 28, 2009

Sa katunayan, nahirapan ako sa paghahanap ng lahok para sa linggong ito. Di ko naman kasi gaanong hilig ang kulay na ito kaya't di ko masyadong napapansin. Nakaisip na ako ng lahok (100 pisong bill na may logo ng UP Centennial dahil ako ay isang proud na iskolar ng bayan) at nakakuha na rin ako nito, di ko pa lang nakunan ng litrato. Ngayon, di ko na mahanap ang isang daang piso ko. Haha.

Eto na po ang aking lahok:


Asan ang lila ba kamo? Ayun, sa gitna ng hinaing Kulawo. Ang bulaklak na ito ay ginamit ito bilang garnish. Alam mo ba kung anong bulaklak ito? *wink wink* hahahaha.

Ang Kulawo kinilaw na puso ng saging o di kaya'y talong (sa pagkakataong ito, parehong ginamit ang talong at puso ng saging) na sinamahan ng gata (ang niyog ay tinusta muna bago nilagyan ng suka at piniga). At kung kayo'y naiintriga, ang salad na nakikita niyo sa likuran ay gawa naman sa pako (o fern).

Kuha ko po ito nang kami'y bumisita sa bahay ni Ugu Bigyan sa Tiaong, Quezon. Isa ito sa mga lugar na aming binisita nang kami'y mag-Viaje Del Sol. Eto ang bahay ni Ugu:

Pwede rin pala itong lahok para sa Kahel. hehe.

PS
Alam niyo bang purple ang color of the year? hehe.

Para sa ibang mga lahok, pumunta sa


30 comments:

Anonymous said...

Nawala ako, hindi ko kilala ang Kulawo, di ko rin alam ang bulaklak...lol. Bougainvilla ba yun? lol wild guess....surely mali.

Anonymous said...

Ngayon ko lang din nadinig ang Kuwalo at ang fern salad. Masarap ba? Mukha ngang Boungainvilla yun bulaklak, kaya lang meorn bang kulay lila nito?

paulalaflower♥ said...

[Mirage] at [Buge]: di po ito Bougainvillea.

Clue para sa mga susunod: medyo x-rated ang pangalan nito sa tagalog. Kahit ang scientific name e. :))

Anonymous said...

ay hindi ko alam yan....ano yan sirit na hahaha

Happy LP

Anonymous said...

aba, bago nga ito, pero parang alam ko na ang lasa nito ha! puso ng saging na ginataan, paborito ko yan, pareho ba ito?

Anonymous said...

isa sa paborito ko ang kinilaw na puso ng sagin pero ngayon ko lang narinig yang kulawo. hinde ko rin alam ang pangalan ng bulaklak na iyan eh.

Anonymous said...

Sirit din ako - di ko alam kung anong bulaklak yan!

Wow, Viaje del Sol! Type kong yayain si hubby diyan pagnagbakasyon uli kami sa Pinas - looks very interesting. Thanks for sharing!

Anonymous said...

nakakatakam ang kilawin! ngayon ko lang narinig ang kulawo :)

Anonymous said...

Kulawo ang puso ng saging pero ang bulaklak, kelangan sabihin mosa amin kung ano pangalan nyan ha :D

Meron akong centennial bill, 4 na 100! Woohoo!

Anonymous said...

waaah naintriga ako sa pangalan ng flower... hehehe... happy huwebes... :)

Dr. Emer said...

I have to try this one of these days. And no, hindi ko po kayang hulaan ang Tagalog name. LOL!

Happy LP!

Ito po ang lahok ko --- http://siteseer.blogspot.com/2009/01/violet-sea.html

Marites said...

Kulawo palang tawag diyan? Namiss ko yan..dating laging inihahain ng aking tiyahin na ngayon'y nasa States na. Gusto kong subukan ang Viaje del Sol minsan, sulit ba?

Anonymous said...

hmmm...kung bastos ang pangalan edi bawal isulat dito? haha...pero hindi ko alam! haha

paulalaflower♥ said...

bago kami pumunta doon, nagresearch muna ako tungkol sa kulawo. may mga nagsasabing lasang tuna daw ang puso ng saging kapag ganyan ang luto. nung kinain ko naman, parang hindi. hahaha. pero masarap siya (o sadyang biased lang ako dahil mahilig ako sa gata?) pero masarap nga promise.

karagdagang clue para sa bulaklak: ito ay nabibiling sa pamilyang Leguminosae. :D

Anonymous said...

naalala ko nanaman ang isandaan kong may centennial logo na hindi ko namalayang naibayad ko! sayang talaga!

eniways, ang entry ko naman ay Arrovo bill!

Tanchi said...

wow..ayus yan ah...:)

maligayang LP:
nandito ang lahok ko:

http://asouthernshutter.com

Anonymous said...

Parang ang sarap ng food, pero parang mas gusto ko yung puso ng saging kesa sa talong.

Wow ganda naman ng bahay ni Ugu Bigyan...

Ang aking LP ay naka-post dito. Magandang araw ng Huwebes!

Anonymous said...

sana ay matikman ko rin yan.

ang unang hula ko ay bougainvilla. kaso nung sinabi mo na leguminosae, parang legumes or beans ba, napadalawang isip tuloy ako. hehehe

happy LP!

Anonymous said...

kung iyong iisipin, ano ba ang kulay ng puso ng saging at talong, di ba meron itong pagka lila?

kaya pede na yang kulawo mo. ibang shade ng lila naman yung garnish na bulaklak

http://hipncoolmomma.com/2009/01/29/lila-violet-35th-litratong-pinoy/

linnor said...

mahilig ka pala sa iba-ibang gulay. :) pareho tayo.

Pete Erlano Rahon said...

I've been to the place when our friend Shirley Libre graduated from a pottery workshop. The place is beautiful since Ugu Bigyan is an artist - there are several cottages, pottery workshop area, display area of his works, a pedestal/monument of his mom's ashes. and the food they served fantastic!

agent112778 said...

sirit na ako :((

try ko nga yang dish na yan :D

eto aken lahok


magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Carnation said...

di pa ako naka try nyan pero kung may gata masarap siguro. anong bulaklak yan?

check out: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/01/lp43-lila-violet.html

Four-eyed-missy said...

Uyy, sirit na!!
Nakatikim na rin ako ng kulawo, yun nga lang, di ko alam na kulawo pala ang tawag dun. Mukhang masarap din yung fern salad, meron ding Khmer food na ganyan pero di masyadong makita kung parehong klase ng fern ang ginamit.

Anonymous said...

ay nakapunta na ako dyan!! ganda dyan ano. namiss ko tuloy :)

LP:Lila

Anonymous said...

orchid ba ysa? at baka meron kang recipe ng salad at kulawo? he he, type ko subukan pareho!

Anonymous said...

nagutom tuloy ako.. hihihi

Anonymous said...

o ha...lakas mo sa akin. dumalaw ako ha kahit via cellphone internet lang

hehehehe

miss ko na mag internet...

okay yang entry mo ah...ako wala pa...wala pa ding internet o well hopefully tomorrow...

happy lp!

Anonymous said...

di ko alam yang kulawo... ang alam ko ay kulao. hehe. enjoy your weekend!

Anonymous said...

napabili nga ako ng ilang damit na kulay violet dahil color of the year sya. first time ko ring mag-violet. ok naman daw :D

ang ganda ng mga kuha mo. :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Search this blog: