Ang isnaberang pusa. Bow.
Hirap na hirap akong kunan ng litrato ang pusang ito sapagkat lumalayo siya tuwing ihaharap ko ang aking kamera sa kanya. 'Di naman siya lumalayo pag nilalapitan ko siya at hinahawakan, sa katunayan, malambing pa nga siyang dumidikit sa aking binti wag lang niyang makita ang kamera ko. Mga ilang minuto rin kaming naghahabulan para lang makunan ko siya ng litrato. At sa lahat ng aking nakuha, ito ang aking napili dahil tila ba nang-iisnab siya dito at sinasabing: No photos please. (Di siya tulog niyan, napapikit lang. haha)
Para sa ibang mga lahok, pumunta sa
38 comments:
meowwww...cute namang pusa. Buti nakuhaan mo sya ng photo eh mukha pa namang suplada sya.
Happy Thurs
weee! pareho tayong pusa ang nilitratuhan! hehe. oo, may mga pusang mahirap kunan ng litrato!
May ganyan kaming pusa sa bahay pero di ko naisip kuhanan. Kaya ko lang syang kuhanan pag tulog. Magandang Hwebes!
naalala kong meron nga pala kaming kuha ng aking asawa sa thailand na hawak namin ang buntot ng isang tiger...napakalaking pusa! :)
parang celeb pala sya, ayaw sa paparazzi. :)
Agree ako kay Moonlight Mom - ayaw niya sa mga "pusa-razzi", este, paparazzi! Hahaha!
uuy camera shy si muning. :)
LP Habol sa MyMemes
LP Sukob sa MyParty
hehehe... ang kulit mo daw kasi eh. ayaw ka na tuloy pansinin :P
inaantok naman kasi si miming, gusto mag cat nap! :)
LP:Orange
uy pusa!!!! ang ganda ng kulay nya ha
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
Pusa, sadyang mailap...buti na lang matyaga ka humabol (^0^)
happy LP, Paula!
Suplada si muning! Buti na lang ang ganda ng profile shot mo sa kanya...kulay kahel---parang ginto! Happy LP!
uy camera shy pala si muning-ning :) nice shot. gandang LP po! silipin ang sa akin sa dito sa Reflexes at Living In Australia
supladita si pussy... o baka nga "I is shy", he he...
LOL! musa din ang aking lahok..katuwa kasing tingnan:) ang pusa ko naman, talagang tulog hehehe!
nice shot paula...nagpapacute lang yang si muning... :) happy huwebes...:)
maski na umiiwas ang pusa, nakunan mo pa rin ng maganda at kitang kita ang kahel niyang balahibo!:)
ayyy.. bigla ko na-miss ang pusa ko nung bata pa ako...
may attitude ang pusang ito ha!
akala nya siguro gagamitan mo sya ng flash.. sensitive ba sila sa flash ng camera? pero nahuli mo pa rin sya :)
salamat sa pagdalaw
Gusto ko yung kulay kahel sa mga pusa:)
Magandang huwebes!
Haha! Ang cute at ang taray! Feeling ko nakataas pa yung kilay niya!
Baka feeling celebrity yan pusa mo... kala nya Paparazzi ka!!!
ang kyut...half-face lang..
tska lomo..ganda
anyway HAPPY LP!
visit my entry to:
KAHEL IS ORANGE PALA?
May pagka-suplada ang pusang yan ha! Alam mo yung aso ko ganyan din, malambing pero pag nakita na ang camera ay about-face kaagad ang drama.
Sreisaat Adventures
Ako rin..hirap sa paglitrato ng pusa namin, ang likot kasi. Pero ito ang ganda naman!
Ang aking owange na owange LP ay naka-post dito at ang sa aking bunsong kapatid naman ay nandito. Hapi Thursday!
snobbish hahaha! http://jeprocksdworld.com/litratong-pinoy-kahel/
hahahaha! camera shy yata sya.
mukha nga syang isnabera.. dahil ayaw nyang tumingin sa camera hehe.. pero nahuli mo pa rin at nakuhanan .. :)
cute naman nya. at ayaw pang tumingin ha. ang taray!!
LP:Kahel
ang ganda...winner ito paula!!!
parang mabait na masungit si mao!!!
hwehehehe
nae-excite tuloy ako sa lahok mong larawan sa susunod na linggo.
ang aking lahok -->http://missy.dgonzalos.com/litratong-pinoy-kahel/
that's a nice shot and edit paula :)
Haha! Supladitang pussycat... pero infernes ang ganda nya :-)
Camera shy siguro ang pusa mo hehe. Nice shot btw.
Cute naman ng entry mo! Me pa -squint-squint pa cya..o natutulog kaya si Kitty? :-)
sa lahat ng mga bumisita, maraming salamat!
ang cute cute nga nya at napakalambing, ayaw lang talaga magpapicture. hahaha. :D
:) finally... late na pero ito ang aking lahok para sa linggong ito: http://arlenesview.tk
Happy Chinese New Year (Kung Hei Fat Choi)!
ang ganda naman ng shot ng pusa na ito... at suplada nga siya.. ehehehe feeling celebrity siguro..
Post a Comment