LP 01.15.2009: Asul

Thursday, January 15, 2009


Isa sa mga pinakapaborito kong kunan ng litrato ay ang mga ulap (na kulay puti naman at hindi asul, haha). Gandang-ganda talaga ako sa mga ulap na tila mga bulak na palipad-lipad sa kalangitan. Kadalasan, pagmakikita kong maganda at maaliwalas ang langit, kukunin ko kaagad ang aking kamera at kukunan ko ito ng litrato. Ang kuhang ito ay mula sa loob ng eroplano nang kami'y papauwi mula Taiwan.

Para sa ibang mga lahok, pumunta sa

22 comments:

Anonymous said...

pareho tayo. Gusto kong kunan ang ulap, ang kalangitan. Ganda kasi di ba :)

Happy Thurs

Anonymous said...

di pa yata ako nakasakto ng kuha from above. madalas kasi tulog ako. hehe. pero nice nga yan. :)

happy LP kapatid!

agent112778 said...

sana sa pagpunta ko ng Cebu magkaroon ako ng ganyang litrato

eto aken lahok
at eto pang isa


magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Anonymous said...

ako din ay mahilig kumuha ng larawan mula sa loob ng eroplano :-)

Anonymous said...

ganda talaga ng kalangitan no!? galing ng Lumikha.

maligayang LP Huwebes mula sa Reflexes at Living In Australia

Anonymous said...

Pareho tayo, napakarami ko ding larawan ng kalangitan :)

Anonymous said...

happy LP paula... gusto ko rin sunbject ang sky... :)

Anonymous said...

peborit ko din ang langit!!!

pero mas mahal ko ang buwan. (anong koneksyon?..ewan)

ahahahaha

happy hwebes!!!

Anonymous said...

ang ganda ng mga ulap, parang bulak. kung pwede lang humiga diyan eh.

magandang ara ka-LP!

Anonymous said...

Unang beses kong sumakay ng eroplano, tanghaling tapat, kaya wala akong ganitong litrato. Sana next time makakuha rin ako ng kagaya nito.

Ang aking LP ay nakapost dito. Hapi Huwebes!

Anonymous said...

ayayay, wala pa akong entry...makakuha din nga ng ulap, hehe. Ganda ng kuha mo!

Anonymous said...

ang sarap tumingala sa langit habang nasa eroplano ano? :)

happy lp!

Anonymous said...

minsan lang ako mag request ng window seat...at kapag nangyari yun, ulap din target ko *lol*

Carnation said...

oo nga ganda kunan yan. ako noon from yogya to jakarta nakakuha ako ng mga ulap din at saka ang tip ng volcano. ito ang aking lahok: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/01/lp41-asul-blue.html

Anonymous said...

parang cotton kendi... naalala ko nung bata ako, ang tawag namin jan, bulak sa ilong ng mga namatay... creepy childhood.

Anonymous said...

haaay nakoo...parehas tayo.

Gustong gusto ko rin ang langit!!!

Happy LP!!!

ang aking lahok-->http://missy.dgonzalos.com/litratong-pinoy-asul/

Tanchi said...

ganda ...
ayus talaga pag nasa window seat ka..
kahit sa bus, ok na ok

Anonymous said...

oo nga madaming kalangitan ang entry. hehe.

enjoy your weekend!

asan na si stranger #002? lolz

Anonymous said...

at iba ang feeling pag pinagmamasdan mo ang alapaap habang nasa ere ka mismo! parang isang milagro na nakakalipad tayo sa panahong ito na dati ay hindi magawa ng mga tao. :)

paulalaflower♥ said...

sa lahat ng dumaan, marami pong salamaaaaaaat! :D

 gmirage said...

Gawain ko yan...nakakaaliw lalo na pag hindi kita ang pakpak ng eroplano hindi ba? Shempre asul talaga yan! Ganda ng mga formation ng ulap! Happy LP!

Anonymous said...

hindi nakakapagtakang gustung-gusto mo ang kumuha ng litrato ng mga ulap. maganda naman talaga silang kunan. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Search this blog: