Maligayang bati mga kaLP! Heto ang aking ikalawang lahok para ako'y maging ganap na kasapi ng Litratong Pinoy! :D
Kahit tapos na ang pasko, tila mararamdaman mo pa rin ang diwa nito sa lamig ng simoy ng hangin dulot ng pabugso-bugsong ambon dito sa Maynila. Mas naramdaman ko ito nuong Lunes ng umaga nang ako'y gumisng para sorpresahin ang aking kaibigan sa kanyang kaarawan. Talaga namang nangangatog ako habang naliligo dahil sa lamig. Kami'y pumunta ng Eastwood City sa Libis upang kumain sa Somethin' Fishy. Pagkatapos ng aming almusal, kami'y naglakadlakad at nagliwaliw, sapagkat pangalawang beses ko palang makarating sa lugar na iyon. Tamang-tama naman at may nakita kaming punong may naiwang dekorasyon ng nakaraang pasko.
Nakikita niyo ba ako sa Pulang Christmas Ball? :D Nandyan din ang isa pang bagong sali sa LP na si Arlene. At dahil natuwa ako sa editing function ng aking kamera, mula sa orihinal na litrato, heto ang mga kinalabasan:
Fisheye effect daw ito. Erm, san banda? Parang naka-zoom lang e.
Surround in monochrome naman.
Blur the Periphery.
Radial blur. Napaka-futuristic ng dating!
At Nostalgic effect. Para naman makaluma ito.
Para sa mga ibang lahok, pumunta sa
29 comments:
wow bright red!
Nice shot! Happy LP
Ang gaganda ng effects ng camera mo! Paborito ko yung monochrome. Magandang Huwebes!
nakakatuwa nga ang effects ng iyong camera! red ang paborito kong christmas color...pati ang gold. :)
hapi huwebes!
ganda ng pagka red ah!
LP:Pula
ayos ah! ito ang dko pa naaalam kung may ganitong feature ang aking camera..hmmmm..
fish eye effect nga, distorted..pwede!
happy lp, paulalalalalalalaaa! (^0^)
maganda ang effect at anggulo ng shots mo. Happy LP!
Monochrome ang nagustuhan ko sa mga larawan mo, iba ang arrive :)
Parang nagtatalo ang monochrome at nostalgic effect para sa paborito kong litrato.
Maligayang huwebes sa lahat! Salamat sa pagbisita. :D
hehe, nice canera, maraming epeks... hehe... happy huwebes... :)
[lino] uy lino, maligayang bati sa iyong kaarawan!
ayun! i see you! hahaha! :D
ganda..:)keep8up
meron na rin ako:
http://asouthernshutter.com
Uy kita nga kita at ang iyong camera sa pulang bola hehe.
Nice shots. Anong camera ang gamit mo? :)
aba'y mukhang nakatuwaan mo ang mga effects ah. galing.
LP: Pula
[ajay] Sony Cybershot DSC-T2. Simpleng point and shoot lang.
[lahat] maraming salamar sa pagbisita! :D
ang ganda dami namang features. heto yong lahok ko: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/01/lp40-pula-red.html
wow ang galing ng effects :)
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
Grabe may editing functions yang phone?:P adik, hehehe. Aba'y pagdidiskitahan ko rin 'yan 'pag nagkataon:D
akala ko photoshop ang ginamit mo, ganda
ang galing naman ng camera mo!
katuwa ang effect ng camera mo..kala ko noong una sa photoshop. ano ba ang camera at maganda ang kanyang features ata? :)
oo...naaaninag ka nga! :P
ang galing ng effects :-)
have a good weekend :-)
galing! i love the samples of experimentation hehe =] happy new year! may you have more photographic adventures in 2009!
nice convo with jeff ha. =)) happy weekend!
[iRonnie] mahilig ka talaga manlaglag no? hahaha. buset. :))
[all] salamat sa mga bumisita at sa mga naaliw, ang camera ko po ay SOny Cybershot DSC-T2. :D
sana pasko ulit. hehehe!
Post a Comment